๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐
ni Victoria Dialogo Cuevas
How does the apocalypse haunt our memories as much as it threatens the future?๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ is a short film that attempts to narrow down the notions of apocalypse in an intimate scale within the interrogation of memory, kinship, and the body. It aims to explore both feelings of anticipation and apprehension in various motifs of doom, in which the main persona of the film was constantly in a loop with. ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ focuses on what it feels like to be invisible even when youโre exactly right thereโto be a ghost and fear darkness, to love and to leaveโall the longing and the hatred that comes with it. When faced with the uncertainty of tomorrow, how do we really comprehend what we are grieving for? How do we recognize what is haunting us and learn to embrace our younger selves once again?
(please change the video quality to 1080p)
sa paggunaw ng mundo
Minsan naniniwala ako sa diyos, minsan hindi. Minsan, gusto kong matulog sa gabi, minsan hindi. Madalas ko pa ring napagkakamalang multo ang pusang naglalakad sa bubong ng aking kwarto.Anim na taong gulang ako noong unang beses akong dumalo sa isang lamay. Pinagbawalan akong tumingin sa patay. May sariwang sugat sa likod ng aking kamay. Bakit daw ba kasi ako nakipaglaro sa pusang gala sa tapat ng bahay. Sabi ni Lola, masama ang tumingin sa patay kapag sariwa pa ang sugat. Bakit? Hindi ko na maalala. Basta bawal. Baka parusahan ka ng Panginoon, o baka dalawin ka ng mga multo sa pagtulog.Kaarawan ni Lola ngayong araw. Sabi nila, bukas, magugunaw na ang mundo. May ibang naniwala, may ibang hindi. Narinig daw nila mula sa radyo at binalita raw sa telebisyon. Ewan. Hindi naman ako nanonood ng balita.Ngayong araw, alas singko kwarenta ng umaga, tinawag ni Lola ang pangalan ko. Ang pangalan ko ay pangalan ng tatay ko. Nakatira ang tatay ko sa Antipolo. Hindi ko alam kung nasaan ang Antipolo. Basta malayo raw. Nagpadala siya ng pansit kahapon. Marami itong sahog na gulay. Hindi ako kumakain ng gulay.Ngayong araw, alas singko kwarenta ng umaga, nagpasama si Lolang maglakad sa labas. Kasing ganda ng kahapon ang araw, ang sabi niya habang nakatingin sa sariling anino. Dito sa anino, makikita raw ang tunay na sarili: sa pagsakop, sa pagkahulma, sa paggalaw at sa pagtigil. Hindi ito nagsisinungaling. At ang araw, isa sa mga pinakamagandang likha ng panginoon ang araw, sabi ni Lola.Tinalikuran ko naman ang araw. Tila paso ang pagdapo ng sariwang init sa balat ng aking likod. Para saโkin, maganda lamang ang araw sa eksaktong pagitan ng hapon at gabiโ habang malambing na nakasilip ang kalahating katawan nito sa mundo. Sabi naman ni Lola, isang pamamaalam ang araw sa pagitan ng hapon at gabi. Walang katiyakan sa pamamaalam.Tinawag ulit ni Lola ang pangalan ko. Ang pangalan ko ay pangalan ng tatay ko. Ang pangalan ko ay hindi saโkin.Bumalik kami sa loob ng bahay. Inutusan ako ni Lolang buksan ang telebisyon. Sa telebisyon, may nagsalitang pari. May kumanta ng โama naminโ. Sumabay si Lola. Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakainin sa araw araw at patawarin mo kamiโtumunog ang cellphone ni lolaโsa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. Tumatawag si Tatay. Hininaan ko ang telebisyon.Hindi raw siya makakadalo sa kaarawan ni Lola ngayong araw. Baka bukas na lang daw siya bibisita. Magpapadala na lang muna siya ng cake mamaya. Nilakasan ko ulit ang telebisyon.Bukas, sabi nila, magugunaw na ang mundo. Bukas, sabi ni Lola, baka bibisita raw si tatay.-----Palagi akong sinasabihan ni Lola na dapat daw kumain daw ako ng gulay. Makakabuti raw ito para saโking katawan. Naglaga siya ng malunggay. Paborito niya ang malunggay. Paborito niya ang pagpitas ng mga dahon ng malunggay mula sa tangkay nito. Sabi niya, dapat din daw ako kumain ng baboy. Paborito raw iyon ni Tatay, lalo na noon.Lahat ng tao sa bahay (ang lola ko, ang tita ko, at ang asawa ng tita ko) kumakain ng gulay at baboy. Ang mga pagkain para sa kaarawan ni Lola ngayong araw ay puro gulay at baboy. Masama ang maging pihikan sa pagkain, sabi ni Lola saโkin, biyaya mula sa panginoon ang lahat ng mga pagkain natin. Paparusahan ba ako ng Panginoon kung hindi ako kakain ng baboy? Sabi nila, bukas, magugunaw na ang mundo, kaya pwede bang hindi na lang ako kumain ng baboy?Pinakain ako ni Lola ng baboy.Nailuwa ko ang taba sa sahig. Nataranta si Lola at pinainom ako ng tubig. Nanatili sa dila at sa pagitan ng mga ngipin ang malambot at mamantikang pahid ng taba. Muntik ko nang mailuwa ang sariling dila.Hindi ka na nga kumakain ng gulay tapos ayaw mo pa ng baboy, paano na ang katawan mo. Dapat pangalagaan mo ang katawan mo. Masyadong payat. Tila ba magkakasya raw ako sa isang maleta. Anong klaseng maleta? Iyong asul na binili sa ibang bansa ni tita noon? O baka โyong itim? Maraming itim. โYong matigas ba o gawa sa tela?Sa kwarto, sinubukan kong isiksik ang katawan ko sa isang lumang itim na maleta ni Tita. Unang namanhid ang aking tiklop na binti. Sa kadiliman, tila ba unti-unti akong nawalan ng mga mata. Hindi ko maramdaman ang aking pagkurap.Nakikita ba talaga natin ang kadiliman? Ang mga anino ang kadilimang hulma ng liwanag, ibigsabihin ba noโn, tanging kadiliman lang ang hindi nagsisinungaling? Sa kadiliman nga lamang ba makikita ang tunay na sarili?Pagkalabas ko ng maleta, brasoโt binti koโy namanhid; tila ba hindi ko maramdaman ang sarili kong katawan. Tila ba multo.-----Sabi ni Lola, minsan kamukha ko raw si Tita. Parehas daw kaming medyo singkit. Parehas ng paboritong kulay. Parehas masipag mag-aral (hindi tulad ng tatay mong pasaway na palaging tumatakas sa eskwelahan noon). Parehas mahilig sa pusa. Parehas din daw mahilig magdikit ng kung ano-anong magnet sa ref. Nag-aalala nga si Lola na baka kaparehas din ni Tita, sa ibang bansa ko raw piliing magtrabaho paglakiโ baka sa ibang bansa na rin magpakasal nang hindi nagpapaalam, baka hindi na raw isipin pang umuwi. Baka umuwi lang nang magsisenta-anyos na at retiro na sa trabaho.(Ang tatay ko naman, hindi nagpakasal, umalis, hindi na naisipan pang umuwi.)Noong una kong nakilala si Tita pagkabalik niya rito sa bahay ni Lola, binigyan niya ako ng tsokolate at tinitigan ko ang kanyang mukha. Minsan daw kamukha ko siya. Tinitigan ko rin ang kanyang anino.Mabait naman si Tita. Tahimik. Ako din, tahimik. Isang araw, umupo kami sa magkabilang bahagi ng lamesa at walang nagsalita. Hindi siya mahilig magkwento. Ang asawa ni Tita, iyon, hindi โyon nauubusan ng kwento. Si Tita naman, mas hilig niyang alagaan ang mga bulaklak na tinanim niya sa harap ng bahay. Minsan, hilig niya lamang ang tumitig sa labas ng bintana.Tuwing nakakausap ko si Tita, mas napapadalas ang pagtitig ko sa kanyang mukha. Isang araw, sinabi niya saโkin, hindi ko na maalala ang mukha ng tatay mo. Katahimikan.Sabi nila, bukas, magugunaw na ang mundo. Mas napadalas ang pagtitig ni Tita sa labas ng bintana. Maaaring nakatingin sa hardin at iniisip kung ipapaputol niya na ba ang makapal-kapal na tangkay ng gumamelang lumagpas na sa gate, o maaaring hindi. Maaaring nakatingin sa anino ng kanyang mga bulaklak. Maaaring tulad ni Lola, iniisip niya ring kasing ganda ng kahapon ang arew, o maaaring hindi. Tila hindi. Minsan, hindi rin ako sigurado kung nandito ba talaga siya. Maaaring nasa ibang bansa naiwan ang kanyang mga mata.Kaarawan ni lola ngayong araw. Sinubukan kong tulungan si Tita sa kusina pero sabi niya makinig na lang daw ako sa paring nagsasalita sa telebisyon, o maglaro na lang daw ako sa labas.Lumabas ako at umupo sa tabi ng mga halaman. Hindi ako gumalaw at nagpanggap na para bang isang gumamela. Hinayaan ko ang mga langgam na umaakyat sa aking paa.-----Sabi nila, bukas, magugunaw na ang mundo kaya bumili ang asawa ni Tita ng tatlong kahon ng sigarilyo. Nagalit si Tita. Sigarilyo na naman, mamamatay ka dahil sa sigarilyo. Nagsindi lang ng panibagong sigarilyo ang asawa ni Tita. Tadhana raw โyon, sabi niya, kung mamatay man ako dahil sa sigarilyo, ediโ tadhana โyon. At bukas? Kung magunaw man ang mundo, tadhana โyon.Ang asawa ni Tita ang pinaka-madalas kong nakakausap dito sa bahay. Hindi siya nauubusan ng mga kwento. Dati raw ay pinangarap niyang maging sundalo, pero hindi ito natupad (arkitekto na siya ngayon). Baka tadhana. Oo, tadhana raw.Sabi ko naman sa kanya, simula ngayon, pangarap ko na rin maging sundalo. Hindi pwede, sabi niya. Hindi raw papayag sina Lola at Tita. Pero papayagan mo naman ako diba? Tanong ko sa kanya. Hindi rin. Delikado, sabi niya at humithit sa kanyang sigarilyo. Kapag namatay ka, sino ang magsasabi sa pamilya mo? Mahahanap ba nila agad ang katawan mo? โYon daw ang mga tinanong sa kanya ng nanay niya noong pinagbawalan siya nitong magsundalo, nang hindi na bumalik pa ang tatay niyang sundalo sa bahay nila. Humithit ulit siya sa sigarilyo niya. Lahat ng iyon, tinadhana, sabi niya.Kaarawan ni Lola ngayong araw. Wala akong magawa. Sinubukan kong kausapin โyong pusang nakahiga malapit sa gate ng bahay. Hindi ako pinansin. Kinausap ko na lang ulit ang asawa ni Tita. Hindi siya nauubusan ng kwento: tungkol sa mga barkada niyang nagpolitiko, ang unang pagbili niya ng baril (nakalimutan niya na kung nasaan na โto ngayon), kung paano lahat daw ay nakasalalay sa tadhana, at sigarilyo.Minsan naiisip ko kung nagsisigarilyo rin ba ang tatay koโ kung dating pinangarap niya rin bang maging isang sundalo, kung bumili rin ba siya ng baril, at kung naniniwala rin ba siya sa tadhana.Minsan, kapag nagsisigarilyo ang asawa ni Tita, natatakpan ng usok ang kanyang mukha. Minsan, tila ba bigla na lamang siyang maglalaho sa likod ng mga usok na iyon. Tapos, tadhana, iyon lang ang sasabihin niya. Minsan, tila hindi ko yata siya kilala. Kahit ilang beses kong tingnan ang kanyang anino, tila ba mas lalo lang siyang lumalabo.-----Minsan, iniisip ko kung ano ang mangyayari kapag namatay si Lola. May lamay na magaganap sa aking isipan: puting kabaong, mga bulaklak sa kawayan, mga taong umiiyakโ hindi ko sila kilalaโ ang amoy ng kandila, puting kurtina, at mga pangalan sa dilaw na ribbon sa itaas ng kabaong ni Lola. Nawawala ang aking pangalan. Sabi nila, mga anak lang daw ang nakalagay doon, at mga kapatid ni lola. Hindi ko rin sila kilala. Lahat sila ay iiyak sa huling araw ng lamay. Nawawala si Tita at ang asawa ni Tita. Maaaring kausap ang paring magbabasbas sa lamay sa labas ng bahay.Darating si Tatay at iyon ang unang beses na makikita ko siyang umiyak.
Minsan, iniisip ko kung paano ko gustong mamatay. Kung gusto ko rin ba ng lamay, o kung gusto ko bang walang makahanap ng aking katawan. Ang katawan kong madaling magkakasya sa isang maleta.
Kaarawan ni Lola ngayong araw. Bumalik ako sa loob ng bahay. Ang araw ngayon ay nasa eksaktong pagitan ng hapon at gabi.Sa hapag-kainan, sinindihan namin ang kandila sa ibabaw ng pinadalang cake ni Tatay. Umupo kami sa kanya-kanya naming upuan. Isang tao sa bawat linya ng parihabang mesa.Dasal muna, sabi ni Lola. Ikaw ang manguna, sabi niya saโkin, pasalamatan ang pagkain, pasalamatan ang lahat na pagpapalang ibinigay sa atin, pasalamatan ang panginoon. Pinagdikit ko ang aking palad: panginoon, salamat.Sinimulan ni Tita ang pagpalakpakโ kumanta kami ng maligayang bati para kay Lola. Hindi sabay-sabay pero natapos namin ang kanta. Ipinikit ni Lola ang kanyang mga mata, humiling sa kanyang isip, bago hinipan ang kandila. Sinundan ng aking tingin ang manipis na silit ng usok mula rito. Kaya kong hulaan ang mga hiniling ni Lola: para sa aming kalusugan, para sa aming kaligtasan, at para sa pagbalik ni tatay bukas.Sabi nila, bukas, magugunaw na raw ang mundo. Niyakap ko ang sarili kong katawan sa ilalim ng kumot at natulog. Ngayong gabi, pusa ang maglalakad sa bubong ng aking kwarto. Hindi multo. Hindi multo.
behind the scenes
scraps from posters






extra clips
sincerely, thank you:
Dennese Victoria
Cristian Tablazon
Hanna Amplayo
Ariana Abad
Kaya Mandala Novicio
Maria Rilke Arguelles
Ral Carmona
Pau TheShark
the rest of my creative writing major mates and batch coro !


Forest Lawn Memorial Park (staffs)
Amy Yap
Alex Yap
Annie Yap
Benito Torres
Romeo Torres
their friends and to all the cats in the film <3
Victoria Dialogo Cuevas is a Kuwit member from Rizal who just recently turned 18. Sheโs not really sure if sheโs ready to officially face the world of adulting yet when up until now sheโs still terrified to cross a street by herself. Her google search bar history contains: how to stay alive after 18, genshin best builds, ocean vuong poetry, hinata shouyou timeskip pics and whatโs going on with gemini people.

[email protected]
IG: @veecvs
FB: @veecvs



